Naging malaking tulong ang sistema ng pananalapi ng Pilipinas noong 2024 na may matatag na status para sa ekonomiya.
Ayon sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), patuloy ang pag-unlad ng financial institutions sa ilalim ng kanilang pangangasiwa, na nagbibigay ng mahalagang serbisyo sa mga negosyo at kabahayan.
Ang paglawak ng mga bangko at iba pang institusyong pampinansyal ay pinalakas ng mas malawak na network at lumalaking digital platforms, na nagpapabuti sa accessibility ng financial services para sa lahat ng Pilipino.
Binanggit ni BSP Governor Eli M. Remolona, Jr. na ang mga reporma at pakikipagtulungan ng BSP ay nakatulong sa pagpapalawak ng sektor upang matugunan ang lumalaking pangangailangan sa pananalapi.
Patuloy namang isusulong ng BSP ang mga makabagong reporma upang palakasin, gawing mas inklusibo, at panatilihing matatag ang sistemang pampinansyal ng Pilipinas.