-- Advertisements --

Nakikiusap si President Donald Trump sa U.S. Supreme Court na haranging ang ruling ng mababang kapulungan na nag-uutos sa isang accounting form na ibigay sa Democratic-led congressional panel ang kopya ng financial records ng pangulo.

Ito ay matapos ilahad ng U.S. Court of Appeals sa District of Columbia ang kanilang desisyon na hindi na nito babaguhin ang ginawang desisyon noong Oktubre kung saan sinusuportahan nito ang House of Representatives Oversight Committee’s authority na maglabas ng subpoena laban sa longtime accounting frim ni Trump na Mazars LLP.

Hinikayat din ni Trump ang Supreme Court na i-review ang inilabas na ruling ng New York-based federal appeals court kung saan nakasaad na maaaring maglabas ng subpoena ang mga local prosecutors laban din sa nabanggit na accounting firm upang makakuha ng kopya ng persona at corporate tax returns ng American president noong 2011 hanggang 2018.

Para sa abogado ni Trump, maituturing umano na illegitimate ang subpoena ng Oversight Committe sa Mazars.

“For the first time in our nation’s history, Congress has subpoenaed the personal records of a sitting president from before he was in office,” saad ni Jay Sekulow, isa sa mga abogado ni Trump.

“And, for the first time in our nation’s history, a court upheld a congressional subpoena to the president for his personal papers. Those decisions are wrong and should be reversed,”

Ayon sa komite, kakailanganin nila ang records mula sa Mazars upang malaman kung tumupad ang presidente sa batas na nagsasaad ng full disclosure ng kaniyang assetes at kung kinakailangan din na baguhin ang mga naturang batas.