Ipinag-utos ni Senate President Francis Chiz Escudero ang suspension ng pasok sa Senado bukas Agosto 26 dahil sa inaasahang matinding pagbuhos ng ulan bunsod ng low pressure area at habagat.
Sa advisory na naka-address kay Senate Secretary Renato Bantug, na matutuloy lamang ang plenary session ng Commission on Appointments sa oras ng 10 ng umaga.
Inatasan din ng Senate President ang namumuno ng Maintenance and General Services Bureau (MGSB) na tiyakin ang presensya ng mga tauhan para maihanda ang Senate Hall na gagamitin ng CA.
Hindi naman pinag-rereport ang lahat ng mga Senador at empleyado sa kanilang trabaho.
Una ng sinuspendi ng Office of the President ang trabaho sa gobyerno sa Metro Manila at ilang probinsiya sa dahil sa inaasahang sama ng panahon.