Kumpiyansa si Finance Secretary Ralph Recto na makakamit ng Pilipinas ang “A” credit rating sa taong 2028.
Ito ay dahil sa patuloy na namantine ng Pilipinas ang malakas na investment outlook sa kabila ng pabago-bagong global economic environment.
Binigyang-diin ng finance chief na conscious ang gobyerno sa mga programa nito at target na makamit na lahat ng rating agencies ay magbigigay ng grade A sa Pilipinas kahit A minus pa ito.
Bukod sa Moody binigyan din ng “upgrade credit rating” ng isang Japanese rating agency ang Pilipinas mula sa rating na R&I.
Ayon sa Kalihim malaking ambag din para mapanatiling malakas ang investment outlook ng bansa ay ang medium term fiscal framework plan ng pamahalaan.
Binigyan kasi nang global credit watcher na Moody na “BAA2” investment-grade credit rating ang Pilipinas na mayruong “stable” outlook.
Ayon kay Recto naka-angkla ang kanilang mga hakbang sa inilatag na fiscal policy at economic policy ng Marcos Jr., administration at nakikita ng mga agencies na mapagkakatiwalaan ang nasabing plano.
Binigyang-diin ni Recto na sa ngayon patuloy ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas patunay dito ang pagbaba ng inflation.
Tinukoy naman ni Recto na nitong 2nd quarter nakapagtala ng 6.3% GDP growth ang Pilipinas at sa buong taon nakapagtala naman ng 6.1%.
Sa unang dalawang taon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakapagtala ng 6 to 6.1 percent GDP isa ito sa pinaka mataas na naitala sa lahat ng Pangulo ng bansa.
Paliwanag ni Recto ang fiscal framework plan ay layong pababain ang deficit ng 3.8% sa taong 2028.
Sinabi pa ng Kalihim na sa sandaling umutang ang Pilipinas nagiging mas mababa na ang interest rate.