Reading Time: 1 minute

Kinumpirma ng MalacaƱang na bukas ay matatapos at isusumite na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang final draft ng State of the Nation Address (SONA) para sa Lunes, July 22.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, natipon na ang lahat ng mga inputs ng iba’t-ibang ahensya na lalamanin ng SONA ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Sec. Nograles, mula sa final draft na isusumite kay Pangulong Duterte ay malalaman kung alin ang tatanggalin at nais nitong idagdag para sa lalamanin ng kanyang Uulat sa Bayan.

Inihayag ni Sec. Nograles na mayroong hanggang Linggo si Pangulong Duterte para ma-edit at ma-fine tune nito ang isusumiteng draft ng kanyang mensahe.

Hindi naman masabi ni Sec. Nograles kung gaano katagal ang SONA delivery ni Pangulong Duterte.