Papalo sa halos P7 billion ang iniwang pinsala ng bagyong Ulysses sa ating bansa.
Batay na rin ito sa final bulletin na inilabas ng Department of Agriculture (DA) At National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) operation center.
Kabuuang P6.7 billion ang pinsala ng naturang bagyo at mayroong katumbas na 226,708 metric tons na volume ng production lost.
Pinakalamali pa rin sa pinsala ay sa agrikultura na may 35 porsiyento katumbas ng P2.37 billion kabilang dito ang palaya, mga gulay, palaisdaan, mais, niyog at iba pa.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DA na magpapaabot sila ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Sa katunayan, umabot na raw sa P8.5 billion na halaga ng interventions sa mga magsasaka at mangingisda sa Luzon na naapektuhan ng bagyo noong October at November ang naibigay na ng DA.
Sa statement sinabi ni Agriculture Undersecretary for Operations Ariel Cayanan ang mga interventions ay kinabibilangan ng quality seeds ng inbred at hybrid rice, mais at mga gulay; cassava seed pieces; fertilizers; farm machinery at equipment; ready-to-lay na mga manok, pato, pugo, kambing, native na mga baboy ay iba pang livestock; animal feeds; veterinary drugs at biologics; fingerlings, fiberglass fishing boats at postharvest equipment.
Of the total, the bulk was extended to farmers and fishermen in hard-hit Regions 2 (Cagayan Valley) and 5 (Bicol), receiving P2.34 billion and P1.07 billion, respectively.