-- Advertisements --

Nasa pagamutan ngayon si Filipino-British goalkeeper Neil Etheridge matapos dapuan ng COVID-19.

Kinumpirma ito ng Birmingham City FC ang koponan kung saan naglalaro si Etheridge.

Sinabi ni Craig Gardner, ang technical director ng koponan, nagdarasal sila para sa agarang paggaling ni Etheridge.

Handa rin aniya silang magbigay ng tulong pamilya.

Ang 31-anyos na si Etheridge ay pumirma sa koponan noong Setyembre 2020 matpos ang tatlong taon na paglalaro sa Cardiff City.

Nangunguna si Etheridge sa goalkeepr ng Philippine Azkals pero hindi na ito nakapaglaro noong FIFA World at AFC Asian Cup qualifiers dahil sa injury.