-- Advertisements --

Hiniling din ni Sen. Erwin Tulfo na paharapin sina Col. Raymund Lachica at Col. Dennis Nolasco sa Senate Impeachment Court.

Ito ay upang personal nilang masagot ang mga tanong kaugnay sa paggamit ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Ang dalawang military official ay parehong nabanggit sa pag-usad ng trial vs VP Sara Sara dahil sa umano’y pareho silang nakatanggap sa milyong-milyong halaga ng confidential funds para sa pagpapatupad ng mga programa ng Office of the Vice President at ng Department of Education.

Ayon kay Tulfo, pare-pareho ang mga senator-judge na nais matanong ang dalawa kung saan ba nila ginamit ang mga naturang pondo, at nais ng mga husgado na pagarapin mismo ang mga opisyal.

Para naman kay Lead Prosecutor, Rep. Gerville Luistro, napagdesisyunan na ng House panel na hindi na paharapin ang dalawang military colonel sa korte.

Aniya, nakukumpleto na ng mababang kapulungan ang nais nilang ipresenta ukol sa umano’y maanomalyang paggamit ni VP Sara sa kaniyang confidential funds at hindi na kailangan pang ipresenta pa ang dalawang opisyal.

Gayonpaman, nanindigan naman si Trial Presiding Officer, Sen. Chiz Escudero na kung kailangang ipatawag ng korte ang dalawang opisyal, bago mag-render ng desisyon ang impeachment court, ay gagawin ito ng korte.