-- Advertisements --
Nais na ni Tyson Fury na hindi na matuloy ang pinaplanong laban niya kay Anthony Joshua.
Ang nasabing paghaharap ay maituturing na all-British heavyweight showdown subalit nagtatagalan siya dahil sa wala pa ring desisyon si Joshua.
Tinawag pa nito si Joshua bilang duwag dahil sa matagal na magdesisyon.
Itinakda sana sa buwan ng Nobyembre maghaharap ang dalawa subalit wala pang napagdedesisyunan na lugar kung saan ito gaganapin.
Dahil dito ay minabuti niyang hamunin na lamang si Oleksandr Usyk para sa trilogy fight.
Kasalukuyan kasing sinasanay ng Ukrainian boxer na si Usyk si Joshua.
Dalawang beses na nabigo si Fury kay Usyk ang kasalukuyang two-time undisputed heavyweight champion.
















