Doug Baldwin
Doug Baldwin/ Seahawks Twitter

Nagdesisyon na si Filipino American Super Bowl champion Doug Baldwin na magretiro.

Sa kaniyang social media account ay pinasalamatan niya ang kaniyang pamilya at mga kasama sa Seattle Seahawks.

Isa sa dahilan ng pagretiro nito ay dahil sa injury na kaniyang natamo.

“Because the end of one journey sees the beginning of another. And guess what.. it will be one hell of a journey. You will feel emotional and physical pain you never knew existed. You will fail over and over again. But don’t worry, all of it will be the reason why you succeed,” ani Baldwin sa kanyang Twitter post.

Ang Tacloban City-native ay naglaro ng walong season sa Seahawks bilang wide receiver.

Kabilang ito sa team nang magkampeon ang Seahawks noong Super Bowl 2014 at dalawang beses na naging Pro Bowl.