Roger Federer
Roger Federer/ IG post

Pasok na sa ikaapat na round ng French Open si Roger Federer matapos talunin si Casper Ruud ng Norway.

Nakuha ng Swiss tennis star ang score na 6-3, 5-1, 7-6.
Ito na ang unang pagkakataon na nakaabot sa quarter finals ang 37-anyos na tennis star na ang huli ay noong 2015.

Noong 2016 ay umatras kasi ito at hindi rin nakapaglaro noong 2017 at 2018 na nag-focus ito sa grass court.

Itinuturing na rin na si Federer ang “oldest male player” na umabot sa ikaapat na round ng French Open sa halos 50 taon.