Reading Time: 1 minute
Donald Trump Ireland
Trump

Tinapos na ng federal prosecutors sa New York ang imbestigasyon sa Trump Organization’s sa pagbabayad sa isang babae na nakarelasyon ni President Donald Trump.

Inatasan din ng korte ang mga nagrereklamo na maglabas ng karagdagan impormasyon sa sa pagkakasangkot sa kaso ng dating abogado ni Trump na si Michael Cohen.

Magugunitang itinuro si Cohen na nagbayad sa babae para ito ay manahimik na at hindi makasira sa political campaign ni Trump.

Sinabi naman ni US District Court Judge William Pauley na nakatutok na ngayon ang imbestigasyon sa paggamit ng campaign finance na siyang itinuturing na mahalaga.

Nauna rito umabot sa $130,000 ang ibinayad ni Cohen sa dating sexy actress Stormy Daniels na nakarelasyon noon ni Trump para ito ay hindi magsalita.

Lumabas na sa mayroong kabuuang $420,000 ang ibinayad kay Daniels at inilagay na lamang sa libro ng kumpanya bilang legal expenses.