-- Advertisements --

Sumali na ang FBI sa imbestigasyon para mabilis na mabawi ang mga dinukot na US Christian missionaries sa Haiti.

Ayon sa FBI na nangangalap na sila ng mga impormasyon para sa agarang mapalaya ang 16 na US missionaries at 1 Canadian missionaries.

Ang Ohio-based Chrisitan Aid Ministries organization ay dinukot ng mga armadong kalalakihan sa Haiti pagkagaling nila sa isang bahay ampunan.

Magugunitang tumaas ang kaso ng pagdukot matapos ang pagkasawi ni Haitian President Jovenel Moise.