-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases na si Dr. Anthony Fauci si President Donald Trump matapos na mabatikos dahil sa kapabayaan sa muling pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Ipinatawag sa US House committee si Fauci kasama si Dr. Robert Redfield, ang director ng US Centers for Disease Control and Prevention, para ipaliwanag sa muling pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Paliwanag ng dalawa, tumataas ang bilang ng mga sumasailalim sa testing at walang katotohanan na bumagal ang nasabing pagsusuri.

Aminado naman si Redfield na pinahirapan ng virus ang US dahil nakagastos na ang gobyerno ng halos $7 trillion.

Magugunitang nasa 25 estado ang nagkaroon ng pagtaas ng kaso ng coronavirus matapos na luwagan ang lockdown.

Umani rin ng batikos si Trump dahil umano sa kautusan nito na bawasan na ang pagsasagawa ng pagsusuri sa nasabing virus.