Nananatiling nakataas ang red storm surge warning sa Northern at Northeastern Luzon sa kabila ng tuloy-tuloy na paglayo ng bagyong Uwan na dating isang super typhoon.
Batay sa updated report na inilabas ng state weather bureau, kabilang dito ang mga probinsiya ng Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at pangasinan.
Ang mga naturang probinsiya ay posibleng makakaranas ng mahigit tatlong metro na taas ng daluyong na maaaring magdulot ng coastal flooding.
Maaari ring magtagal ng ilang oras ang naturang banta.
Bahagyang bumaba naman ang mga lugar na nasa ilalim ng orange warning na may katumbas na 2.1 meters – 3 meters.
Kinabibilangan ito ng mga probinsiya ng Antique, Aurora, Bataan, Isabela, La Union, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Pangasinan, Quezon, at Zambales.
Una nang nakaranas ng coastal flooding ang maraming komunidad sa eastern seaboard bago ang tuluyang paglandfall ng ST Uwan nitong nakalipas na araw ng Lingo, Nobyembre 10, 2025.
















