-- Advertisements --

Nasamsam ng Philippine National Police (PNP) ang P21-million halaga ng smuggled cigarettes sa Sta. Cruz Island noong Nobyembre 12 kung saan inaresto ang pitong lalaki.

Ayon kay PNP Acting Chief P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., napansin ng mga pulis ang dalawang “Jungkung” na motorized boats na kahina-hinala.

Sa inspeksyon, natagpuan ang 300 master cases ng sigarilyo, kabilang ang 272 cases ng Modern Red at 28 cases ng Green Hills Menthol.

Dinala ang mga nahuling suspek at mga kontrabandong sigarilyo sa Zamboanga City Police Station 11 para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Tiniyak ng PNP na patuloy ang kanilang pagbabantay laban sa smuggling at organisadong krimen sa baybayin.