CENTRAL MINDANAO – Nanguna si Department of Interior and Local Government (DILG-12) regional director Josephine Cabrido-Leysa sa turn-over ceremony sa mga proyekto ng ahensya sa probinsya ng Cotabato.

Pormal namang tinanggap ni Carmen North Cotabato Mayor Moises Arendain ang mga proyekto ng DILG.

Ito ay kinabibilangan ng Salintubig at farm to market road project sa bayan ng Carmen.

Ang Sagana at Ligtas na Tubig para sa lahat (SALINTUBIG) program ng DILG ay para masiguro na may tubig na maiinom ang mga residente ng bawat barangay.

Malaking tulong din ang kalsada sa mga lugar na malalayo para hindi na maghirap ang mga mamamayan sa mga malalayong barangay sa paglabas ng kanilang mga produkto na ibebenta sa lungsod.

Ang kampanya ng pamahalaan para sa tapat at hayag para sa implementasyon ng mga locally-funded projects (LFPs) na pinapamahalaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Nagpasalamat naman si Mayor Moises Arendain sa mga proyekto ng DILG na ibinuhos sa bayan ng Carmen.