Ibinebenta na ngayon ng isang mayamang fan ni Kobe Bryant ang kaniyang Lamborghini na ipinasadya bilang tribute sa NBA legend.

Ayon kay Joe Carbonara ang kaniyang 2015 Lamborghini Huracan na pininturahan ng kulay violet at may nakasulat na 24 jersey number ng Los Angeles Lakers star ay ibinebenta niya sa halagang $170,000 o mahigit P8.5-milyon.

-- Advertisement --

Makikita sa nasabing sasakyan ang larawan ng mag-amang sina Bryant at Gianna na magkasama.

Naging agaw pansin ang kotse dahil sinakyan ito ng may-ari noong ginanap ang NBA All-star weekend sa Chicago.

Dagdag pa nito na ang bahagi ng pagbebentahan ay ibabahagi sa charity foundation ni Bryant.