June Mar Fajardo
Fajardo/ Beermen Twitter image

Labis ang kasiyahan ni San Miguel Beermen star player June Mar Fajardo matapos tangahlin itong All-Filipino Best Player of the Conference.

Ito na kasi ang pang-anim na magkakasunod na award na nakuha nito.

Nahigitan ng 29-anyos na Beermen player si Sean Anthony ng NorthPort, Roger Pogoy ng TnT at Mo Tautua ng Batang Pier.

Sa kabuuan ay mayroong walong Best Player of the Conference si Fajardo na siyang manlalaro na may pinakamaraming award sa conference.