-- Advertisements --

Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na mananatili pa rin ang pagsasagawa ng face to face classes sa kabila nh pagkakadetect ng bagong XBB Omicron subvariant sa bansa.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, inaantay nila ang abiso na magmumula sa Department of Health (DOH) hinggil sa health guidelines.

Kayat wala pang pagbabago sa amendatroy Department order ng DepEd na inisyu kamakailan.

Ito ang Department order No. 44 na nagpapahintulot sa pribadong eskwelahan na ipagpatuloy ang blended o full distance learning nang lagpas sa Nobiyembre 2.

Inamyendahan nito ang Department Order No. 34 na nagmamandato sa mga public at private schools na magpatupad ng full 5-day face to face classes simula sa November 2.

Una rito, nito lamang araw ng Martes kinumpirma ng DOH na nakapasok na sa bansa ang bagong mas nakakahawang XBB omicron subvariant na isang highly immune-evasive virus na laganap ngayon sa Singapore. Liban dito nadetect din ang 193 kaso ng XBC omicron subvariant sa 11 rehiyon sa bansa.