Maaaring manatili pa rin sa karagatang sakop ng Pilipinas ang severe tropical storm Fabian, dahil sa napakabagal na pagkilos nito sa nakalipas na magdamag.
Huling namataan ang bagyong Fabian sa layong 1,035 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran o papalayo sa ating bansa.
Samantala, ang isa pang bagyo na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ay patuloy pa rin ang paglakas.
Mayroon itong international name na Cempaka at mayroon nang typhoon intensity.
Namataan ito sa layong 960 km sa kanluran ng extreme Northern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 120 kph at may pagbugsong 150 kph.
Nananatili namang pakanluran ang direksyon nito at walang posibilidad na magkaroon ng landfall.