Kinumpirma ng Bureau of Immigration na kanilang ikinasa na ang implementasyon sa Immigration Lookout Bulletin Order galing sa Department of Justice kontra 26 indibidwal nasasangkot sa isyu ng ghost flood control projects.
Ayon sa kawanihan, kanila ng tinutukan bantayan ang mga ito bilang pagsunod sa inilabas na direktiba o kautusan ng DOJ.
Ang naturang ‘travel monitoring’ ay layon masubaybayan ng mga tauhan ng immigration ang impormasyon sa pagbyahe ng mga nasa listahan.
Bahagi ang implementasyon sa naging hiling na rin na mag-isyu nito mula sa kalihim ng Department of Public Works and Highways na si Sec. Vince Dizon sa DOJ.
Kinilala ang mga nasasangkot na indibidwal at nasa listahan ng ILBO ang mga opisyal ng DPWH at pribadong kontratista ng kontrobersyal na ‘flood control projects’.
Binigyang diin anila ng DPWH na kadyat maiulat at ibahagi sa kanila at awtoridad ang impormasyon sakaling ang mga indibidwal ay tumangkang lumabas ng bansa.
“This is the second batch of personalities placed under immigration lookout in relation to the questionable flood control projects,” ani Comm. Joel Anthony Viado ng Bureau of Immigration.
Ngunit binigyan linaw na ang naturang ‘travel monitoring’ ay di’ kahalintulad ng ‘travel ban’ kung saa’y ito lamang ay isang mekanismo ng monitoring mabantayan ang pag-alis ng mga nasa listahan.