-- Advertisements --

Tinawag ni Davao City Representative Isidro Ungab na most corrupt budget ang 2025 General Appropriations Act (GAA).

Ginawa ni Ungab ang pahayag sa kaniyang manifestation kung saan kaniyang sinuportahan ang mosyon ni Caloocan Representative Edgar Erice na padaluhin sa pagdinig ng Infra Committee si dating Appropriations Panel Chair Rep. Zaldy Co at dating Senate Finance chief Grace Poe.

Nagmosyon kasi si Erice, na pahaharapin sa komite ang dalawang dating lider ng 19th Congress upang bigyang linaw ang ginawang insertions sa 2025 national budget.

Nag ugat ang mosyon ni Erice ng tanungin nito si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan kung bakit lumubo ang budget ng ahensiya na nasa mahigit P1 trillion nitong 2025 national budget.

Ang orihinal na budget ng DPWH ay nasa P900 billion lamang.

Tugon naman ni Bonoan na hindi nito alam dahil nangyari ang insertions sa ginanap na bicameral conference.