Inanunsiyo ng Chinese video-sharing mobile app ang pagsasama-sama muli ng boy band na F4.

Magiging guest kasi sina Jerry Yan, Vanessa Wu, Ken Chu at Vic Chou sa “One Thousand and One Nights” sa Oktubre 30.

Sa social media post, inanunsiyo ng Taiwanese quartet ang kanilang guesting.

Ang nasabing video ay na-share din ng leading lady nila sa “Meteor Garden” na si Barbie Hsu.

Huling nagsama ang F4 noong 2013.

Ang nasabing pagsasama ng grupo ay magaganap halos dalawang dekada ng sumikat ang “Meteor Garden”.