-- Advertisements --
Nabigo ang Gilas Pilipinas Women 85-69 sa Chinese Taipei sa pagsisimula ng 2025 William Jones Cup sa Taiwan.
Nagtala ng 18 points,siyam na rebounds, tatlong assists at dalawang steals si Jack Animan habang mayroong 11 points, tatlong rebounds at dalawang assists at dalawang steals si Naomi Panganiban.
Sa simula ay hawak ng Taiwan ang kalamangan kung saan hindi na nila hinayaan pa na makalamang ang Pilipinas.
Bumida sa parte ng Taiwan si Sidney Cooks na nagtala ng 17 points, 11 rebounds, dalawang steals at isang assists.