-- Advertisements --
Ramdam na ang mga pag-ulang dala ng extension ng tropical storm Auring sa ilang bahagi ng Caraga region
Ayon kay Pagasa weather specialist Ariel Rojas, lalo pang lalakas ang mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao habang papalapit sa lupa ang sentro ng bagyo.
Inaasahan kasi ang landfall nito sa Surigao area sa darating na araw ng Linggo.
Huling namataan ang sentro ng TS Auring sa layong 635 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph.