-- Advertisements --
Posibleng makaapekto ang extension ng isang low pressure area (LPA) sa Southern Luzon at iba pang bahagi ng bansa, kasama na ang lugar ng Taal volcano sa Batangas.
Ayon sa ulat ng Pagasa, bagama’t nananatili sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang naturang namumuong sama ng panahon, malawak naman ang ulap na dala nito.
Kabilang sa maaaring makaranas ng ulan ngayong araw ang Bicol Region, MIMAROPA, Quezon, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga region.
Inaasahan namang makakatulong ito para mapababa ang haze at volcanic smog (vog) na nakakaapekto sa ilang parte ng Luzon sa nakalipas na mga araw.