-- Advertisements --

Inaresto ng mga pulis sa San Juan City si dating Sen. Jinggoy Estrada dahil sa sinasabing paglabag nito sa protocols ng enhanced community quarantine (ECQ).

Batay sa lumabas na impormasyon, nasa gitna ng pamamahagi ng relief good sa lungsod ang dating mambabatas nang arestuhin ito ng mga pulis.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, inisyatibo ng pulisya ang pag-arestyo kay Estrada.

Nilabag daw kasi nito ang quarantine regulations nang mamahagi ng relief goods kahit walang quarantine pass at clearance mula sa local government unit.

Iginiit naman ng dating senador na nakasuot sya ng face mask at personal protective equipment sa gitna ng aktibidad.

Pero dagdag ni Zamora, hindi nasunod ang social distancing sa gitna ng pamamagi ni Estrada ng relief goods.

Sa ngayon umareglo na raw sa istasyon ng pulis ang tatay ng dating senador na si dating Pangulong Joseph Estrada.