-- Advertisements --

Hinikayat ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang publiko na makiisa at magsumbong ng mga posibleng anomalya upang mapanagot ang mga tiwaling opisyal at kontratista. Tiniyak niya na ang mga sumbong ay kanilang tutugunan sa lalong madaling panahon

Dagdag pa ng kalihim, ang mga naihain na kaso ay simula pa lamang ng mas malawak na kampanya laban sa katiwalian sa ahensya.

Pinabibilis na rin ang pagtukoy at pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng maanomalyang flood control projects, ayon yan kay Secretary Vince Dizon.