-- Advertisements --

Kinumpirma ng isang testigo ng House Infra Committee na nakatanggap siya ng banta sa buhay sa kaniyang telepono sa kalagitnaan ng pagdinig kaninang umaga kung saan tinatalakay ang kontrobersiyal na flood control projects.

Inabisuhan ni Engineer JP Mendoza, dating district engineer sa probinsiya ng Bulacan   ang komite na patuloy siyang nakakatanggap ng banta sa buhay.

Ibinahagi ni Mendoza na nuong September 1 may nag message sa kaniyang viber at ang naka pangalan ay “Hitman” at kanina habang siya ay nagsasalita tuwatawag umano sa kaniya ito.

Hiniling ni Mendoza sa panel na bigyan siya ng security dahil natatakot siya para sa kaniyang at maging ng kaniyang pamilya.

Nangako naman si House Tri Committee lead Chairman Rep. Terry Ridon na bigyan si Mendoza ng proteksiyon.

Sinang-ayunan ni Mendoza ang naging testimonya ng kaniyang dating kasamahan nas Engr. Brice Hernandez na nag-uugnay kina Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva sa halos isang bilyon Bulacan flood control.

Ibinunyag ni Hernandez na tumanggap ng 30-percent kickbacks ang dalawang senador mula kay dating District Engineer Henry Alcantara.