Tinawag ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na “plain and simple harassment” ang kasong isinampa laban sa kanya ni Atty Manases Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Cendaña, wala pa siyang natatanggap na opisyal na kopya ng reklamo mula sa Quezon City Prosecutor’s Office, pero handa siyang sagutin ito dahil naniniwala siyang wala siyang nilabag na batas sa pag-request ng subpoena sa financial records ng mag-asawang Duterte-Carpio.
Giit ng mambabatas, bahagi ng kanyang tungkulin sa Kamara ang pagbusisi sa mga dokumento na may kaugnayan sa imbestigasyon, kaya walang ilegal sa kanyang ginawa.
Tinawag din niya ang kaso na “me-ma case” o reklamo lang na walang sapat na basehan, at aniya ay layuning pahinain lamang ang mga kritikal sa isyu ng imbestigasyon at impeachment proceedings. (report by Bombo Jai)















