-- Advertisements --

Kinuwestiyon ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang oras ng plenary deliberations para sa panukalang P47 bilyong budget ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa 2027.

Isinagawa ang deliberasyon mula alas-11:45 ng gabi noong Miyerkules at natapos pasado alas-2 ng madaling-araw nitong Huwebes, Setyembre 17.

Ayon kay Cendaña, ironic na workers’ rights and welfare ang pangunahing tinatalakay sa budget ng DOLE habang madaling-araw na at maraming manggagawa sa kongreso, mga tanggapan at mismong DOLE ang puyat dahil sa trabaho.

Sinabi niyang mahalaga ang transparency at accountability sa proseso ng budget, ngunit hindi rin umano dapat maisantabi ang kapakanan, kalusugan at well-being ng mga manggagawa.

Hiniling ni Cendaña sa liderato ng Kamara na tiyaking Hindi naaapektuhan ang kapakanan ng workers sa ganitong oras ng deliberasyon.

Sa kabuuang budget ng dole, P20.9 bilyon ang direktang ilalaan sa departamento.