-- Advertisements --

Magbibigay ang Pilipinas ng 40 generator sets sa Ukraine bilang tulong sa gitna ng patuloy na pinsala sa imprastraktura dahil sa digmaan kontra Russia. Layunin ng donasyon na makatulong sa suplay ng kuryente at pagpainit sa mga lugar na apektado ng pag-atake.

Pinasalamatan ni Ukrainian Deputy Foreign Minister Olexandr Mischenko ang tulong ng Pilipinas, at sinabing gagamitin ang mga generator para sa heating lalo na kapag tinatamaan ng shelling ang kanilang critical infrastructure.

Sinabi naman ni Ukrainian Ambassador to Manila Yuliia Fediv na tinatapos na ng kanilang embahada at opisina ni Sen. Erwin Tulfo ang proseso ng pagpapadala, at posibleng maipadala ito mula Maynila sa ikalawang kalahati ng Mayo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, bahagi ito ng patuloy na pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at Ukraine matapos ang ikalawang political consultations ng dalawang bansa.

Inaasahang darating ang mga generator bago magsimula ang malamig na panahon sa Ukraine, na makatutulong sa pagresponde sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad. (report by Bombo Jai)