-- Advertisements --

Nilinaw ni dating Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na hindi si dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nag-alok sa kaniya upang kumandidato sa Davao City.

Unang ibinunyag ng dating kalihim na inalok siya ng isang bilyong piso (P1 billion) upang tumakbo sa Davao City laban sa kilalang kaalyado ni dating Pang. Rodrigo Duterte na si Rep. Isidro Ungab. Si Bello ay isa sa mga nagsisilbing miyembro ng PDP Council of Elders.

Sa isang forum na inorganisa ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, nilinaw ni Bello na hindi si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang nag-alok sa kaniyang tumakbo sa pagka-kongresista.

Gayunpaman, nanindigan siyang ang taong lumapit sa kaniya ay kilala ni Pang. Marcos.

Naniniwala rin ang dating kalihim na mayroon itong clearance mula kay Pang. Marcos.

Paliwanag niya, noong tinanggihan niya ang naturang alok ay agad siyang tinanggal bilang chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Paliwanag pa ni Bello, noong una ay iniisip pa niyang patatakbuhin siya bilang alkalde laban kay dating Pang. Rodrigo Duterte.

Nanindigan ang dating Duterte apointee na hinding-hindi niya lalabanan ang dating pangulo na matagal na niyang naging kaibigan.