-- Advertisements --
Personal na nakipagpulong si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Ayon sa Chinese foreign ministry, na pinayuhan ni Xi ang dating pangulo ng bansa na patuloy na isulong ang magandang samahan ng dalawang bansa.
Naganap ang pulong sa Diayutai state guest-house sa Beijing nitong Lunes.
Pinuri ni Xi si Duterte dahil sa kaniyang pamumuno ay mas pinalakas pa nito ang magandang ugnayan nila.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay sinabi ng dating pangulo na kapag naipit ang Pilipinas sa tension sa pagitang n US at China ay magiging libingan ang bansa.