-- Advertisements --

Nakapagtala ang Office of the Civil Defense (OCD) ng 53 lugar sa walong rehiyon na binaha sa pananalasa ng nagdaang bagyo.

Ayon kay OCD officer-in-charge Rafaelito Alejandro IV, naitala ang baha sa mga lugar sa Ilocos Region, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Caraga.

Kaninang umaga nitong Sabado, ayon sa OCD official, nasa 26 ang nananatiling lubog sa baha.

Naapektuhan dito ang 57 road sections at anim na tulay.

Samantala, kinumpirma naman na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Antique ang pagkakatukoy na ng pagkakakilanlan ng napaulat na dalawang residente na nawawala sa rumagasang baha sa kanilang lugar. Ang mga biktima ay kapwa residente ng Sitio Banglid sa Barangay Bacalan.