Bumaba na ang bilang ng mga kanseladong biyahe sa mga karagatan, sa gitna ng nagpapatuloy na mabibigat na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Batay sa report na inilabas ng Philippine Ports Authority (PPA), tanging pitong Port Management Office (PMO) na lamang ang nakapag-ulat ng trip cancellations sa maghapon.
Kinabibilangan ito ng Port of Capinpin – Manila and vice versa sa ilalim ng PMO Bataan/Aurora; PMO NCR North na papuntang Dumaguete-Dipolog-Zamboanga; at Port of Masbate to Pilar sa ilalim ng PMO Masbate.
Kasama rin sa mga cancelled trip ngayong araw ang Naval to Maripipi trip mula sa PMO Western Leyte/Biliran; mga biyahe sa Port of Ubay sa ilalim ng PMO Bohol; at ang 10AM trip ng TMO San Carlo mula sa PMO Negros Occidental-Bacolod.
Sa Mindanao, kandelado ang biyaheng Balbagon Camiguin to Jagna Bohol and vice versa sa ilalim ng PMO Misamis Oriental/Cagayan de Oro.
Samantala, sunod sunod ding naghatid ng mga maiinit na pagkain ang PPA at mga shipping companies sa mga pasahero, driver, at mga helper na nananatiling stranded sa mga pantalan.