-- Advertisements --

Inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating PNP chief Alan Purisima sa walong bilang ng kasong purjury.

Ayon sa Sandiganbayan Second Division hindi sapat ang mga ebidensyang isinumite ng prosekusyon kaya ibinasura ang kasong purjury laban kay Purisima.

Nag-ugat ang kasong ito dahil sa umano’y kabiguan ni Purisima na ideklara ang apat sa kanyang mga baril at mga ari-arian sa Nueva Ecija at Ilocos sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Matapos na absuweltuhin, matatanggap muli ni Purisima ang bail bond na nauna na niyang binayaran para sa kanyang provisional liberty.

Aalisin na rin ang hold departure order na inilabas sa kanya matapos nang makasuhan sa anti-graft court.

Noong nakaraang buwan lang ay inabsuwelto rin ng Sandiganbayan si Purisima at dating PNP Special Action Force chief Getulio Napeñas sa kasong graft at userpation na may kaugnayan naman sa madugong engkuwentro sa Mamasapano noong 2015.