Ibinunyag ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima na dati na siyang nakakatanggap ng mga impormasyon ukol sa drug recycling na ginagawa ng mga pulis sa Pampanga, bago pa ang raid sa bahay ni Johnson Lee sa Pampanga.

Ayon kay Purisima, marami na siyang nakalap na intel report laban sa grupo ni Maj. Rodney Baloyo, kaya niya ito pinaimbestigahan kay dating CIDG chief Gen. Benjamin Magalong.

Naniniwala ang dating PNP chief na dawit din sa ibang usapin ang naturang grupo.

“I ordered probe on Albayalde’s men after receiving reports from intelligence sources,” wika ni Purisima.

Si Purisima ay dumalo sa Senado matapos ipatawag ng justice committee na nag-iimbestiga sa isyu ng ninja cops.