Kinuha ng TNT KaTropa si retired PBA player Ranidel de Ocampo bilang assistant coach.

Sinabi ni TNT Team manager Gabby Cui, na maraming maibibigay na kaalaman si de Ocampo dahil sa na rin sa naging karanasan nito ng ilang taon sa paglalaro sa PBA.

Matutulungan din ng dating TNT player ang koponan na makakuha muli ng kanilang kampeonato.

Naging Best Player of the Conference ng 2014 PBA Governors’ Cup ang two-time MVP at nine-time All Star player.

Kasama rin siya sa Philippine national team ng magwagi sila ng silver medal noong 2013 FIBA Asia Champioinship.

Noong nakaraang taon ay nagretiro ng maging player ng Meralco Bolts.

Mula 2008 hangang 2017 ay naging manlalaro ito ng TNT na siyang nagdala ng anim na kampeonato ng koponan.