Reading Time: 1 minute
espino ambush

Hindi bababa sa 10 suspeks ang nasa likod sa pananambang kay dating Pangasinan Gov. Amado Espino.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pangasinan provincial director Col. Redrico Maranan, sinabi nito na mayroon na silang tinitignan na persons of interest pero hindi pa nila ito mailabas dahil kinukompleto pa nila ang mga ebidensya.

Sinabi niya rin na nagsasagawa ng bullet trajectory ang Scene of the Crime Operatives sa lahat ng sasakyan na sangkot sa ambush.

Patuloy din silang nangangalap ng CCTV (closed circuit television) footage sa insidente at inaalam pa kung sino ang nagmamay-ari ng dalawang sasakyan na narekober.

Nabatid na kahapon, sa follow up operation ay narekober na ang dalawang getaway vehicle ng mga suspek at nakuhanan ito ng mga matataas na kalibre ng baril at granada.

Sa nangyaring ambush, sugatan si Espino habang nasawi naman ang security nito na pulis na nakilalang si S/Sgt. Richard Esguerra habang may apat na iba pang sugatan na kanyang mga bodyguards.