Jacques Chirac
Jacques Chirac

Pumanaw na si dating French President Jacques Chirac sa edad 86.

Ayon sa kaniyang mga kaanak, nalagutan ito ng hininga sa kaniyang bahay habang napapaligiran ng kaniyang mga anak.

Nagsilbi ng dalawang termino bilang pangulo ng France si Chirac mula 1995 hanggang 2007.

Noong ito ay prime minister ay nasangkot siya sa iba’t-ibang anomalya noong 2011.

Taong 2005 ng na-stroke ito at noong 2014 sinabi ng kaniyang asawang si Bernadette na hindi na ito magpapakita sa publiko dahil sa pagka-ulyanin.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang maraming lider ng iba’t-ibang bansa.