Pumanaw na ang dating Premier League player at Senegal World Cup star na si Papa Bouba Diop sa edad 42.

Kinumpirma ito ng Senegalese Football Federation (FSF).

Hindi na binanggit pa ng kampo nito ang sanhi ng pagpanaw niya.

Laro ito ng 63 beses sa kaniyang bansa kung saan sumikat ito noong 2002 World Cup ng makuha nito ang unang goal at talunin ang kasalukuyang kampeon na France 1-0.

Nagpaabot namang pakikiramay si FSF President Augustin Senghor at ang FIFA sa pagpanaw ni Diop.