-- Advertisements --

Dumalo si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan sa muling sesyon ng Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes kaugnay ng multi-billion peso flood control corruption scandal.

Inaasahang tatanungin siya ng mga senador tungkol sa alegasyon na nagbigay siya ng “maling” coordinates para sa libu-libong flood control projects sa bansa, na nagresulta umano sa di-tamang datos sa 421 ghost projects, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson. Binanggit ni Lacson na dahil dito, nagiging hindi maaasahan ang Sumbong sa Pangulo website.

Dumalo si Bonoan sa hearing isang araw matapos bumalik sa Pilipinas mula Taipei, Taiwan. Noong nakaraang taon, nirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure ang pagsasampa ng administrative charges laban kay Bonoan at sa kanyang dating undersecretaries na sina Roberto Bernardo at yumaong Maria Catalina “Cathy” Cabral.

Ayon kay Bernardo, ilang pondo para sa umano’y anomalous projects ay umano’y cleared ni Cabral at isusunod na lang sa pahintulot ng public works secretary. (report by Bombo Jai)