BOB HAWKE
Bob Hawke

Pumanaw na si dating Australian Prime Minister Bob Hawke sa edad 89.

Ayon sa kaniyang asawa, nalagutan ito ng hininga habang ito ay nasa kanilang bahay.

Nagsilbi itong prime minister at namuno ng Labor Party mula 1983 hanggang 1991.

Ilang sa mga nagawa nito ay ang universal healthcare system ng bansa.

Isa sa mga pinagmamalaki nito ay ang pagtaas ng bilang ng mga kabataan na nagtapos ng highschool.

Nakapagtala ito ng world record sa pag-inom ng 1.4 liter ng beer sa loob lamang ng 11 segundo habang ito ay nasa Oxford University.