NAGA CITY- Patay ang isang dating miyembro ng Philippine Army matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Purok Trade, Ruanto Compound, Barangay Ibabang Iyam, Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Isidro Alas Katigbak Alyas Edoy.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na unang ipinasailalim sa buy bust operation ang suspek kung saan nabili rito ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Ngunit nang aarestuhin na ito ng mga otoridad, bigla itong tumakbo papasok sa kanilang bahay at kinuha ang kanyang improvised shotgun at pinaputukan ang poseur buyer ngunit hindi tinamaan.

Kaugnay nito, agad na gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng naturang indibidwal.