Hindi maitago ni dating Alaska Aces coach Alex Compton ang kaniyang kasiyahan ng makita si Vic Manuel sa ensayo ng Gilas Pilipinas.

Inimbitahan kasi ang Aces player ni Gilas coach Tim Cone sa ensayo ng national team.

Sa unang pagkakataon rin ay napanood din ni Compton ang pagsabak nito sa ensayo.

Ayon kay Compton na isang karangalan na makita si Manuel sa nasabing ensayo.