Patay ang isang estudyante habang sugatan ang pitong iba pa matapos na masagasaan ng isang pampasaherong jeep sa JP Rizal, Makati City.

Sinabi ni Makati Police Chief Rogelio Simon, dakong 7:25 nitong Miyerkules ng gabi habang tumatawid ang mga estudyante sa pedestrian lane ng biglang sagasaan sila ng rumaragasang jeep na minamaneho ni Rizaldy Samparong.

Sa lakas ng pagkabunggo tumilapon pa ng ilang metro ang biktima.

Dinala pa sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa pinsalang natamo nito habang dalawa pang mga biktima ang nakaratay sa pagamutan.

Kuwento ng driver ng jeep, nawalan ito ng kontrol kaya naibangga nito sa mga tumatawid na biktima.

-- Advertisement --