-- Advertisements --
Ipinagtanggol ng kampo ni Senator Chiz Escudero ang pagtanggap niya ng P30-milyon na donasyon mula sa contractor ng flood control projects noong 2022 elections.
Ayon kay Atty. Ramon Esguerra ang abogado ng Senador, na ang donasyon ay legal at natitiyak nilang sumusunod sila kung ano ang idinidikta ng batas.
Ito ang naging kasagutan ng Senador matapos na sila ay pinagpaliwanagin ng Commission on Elections (COMELEC).
Una ng sinabi ng COMELEC na ipinagbabawal sa mga kandidato na tumanggap ng campaign donation na mayroong kontrata sa gobyerno.
Naniniwala ang abogado ni Escudero na tatanggapin ng COMELEC ang kanilang paliwanag.