-- Advertisements --

Labing-isang araw matapos ang pagtama ni Bagyong Emong sa Pangasinan, ramdam pa rin ang epekto nito sa suplay ng kuryente.

Ayon sa datos ng Pangasinan 1 Electric Cooperative (PANELCO1), 106 na barangay pa rin ang walang supply kuryente.

Sa datos noong August 03, 2025, naibalik na ang kuryente sa 86 na barangay, katumbas ito ng 44.79% ng 192 barangay na apektado ng bagyo.

Sa ngayon ay tulong-tulong pa rin ang lahat ng mga electric cooperatives sa Luzon para maayos ang mga poste at linya ng kuryenteng itinumba ng naturang nagdaang bagyo.

Kabilang sa mga kaagapay ngayon ng Pangasinan 1 Electric Cooperative ay ang Task Force Kapatid ng National Electrification Administration (NEA) at Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PhilRECA).

Una nang sinalanta ng bagyong Emong ang naturang lalawigan at nag-iwan ito ng matinding pinsala.